And I’m back with a long overdue post featuring my personal comed-IAN 🙂 🙂 🙂
_____________________________________________
Silent Night
One morning, I was complaining kasi nagising ako sa ingay ng phone ni Ian…
Me: Hay naku, ang ingay ng phone mo, hindi na tuloy ako makatulog!
Ian: Ikaw na ang sensitive.
Me: Syempre! Gusto ko kasi sa umaga paggising ko tahimik lang. Ayoko ng maingay.
Ian: Edi sa sementeryo ka matulog!
Ang sweet diba? hahaha
_____________________________________________
Visa Fee
One time naman when we were at Papa’s house….
Papa: Andami nung fees na binayaran ko para sa visa ni Hamda. Naubos pera ko.
Me: Patingin nga.
Papa: Ayan o, visa fee, innovation fee, service fee, etc. etc.
Then Ian out of the blue…
Ian: Kulang nalang Slur-fee!
Hahaha
May naka-miss bigla sa 7/11!
_____________________________________________
Spontaneous
Habang pauwi kami galing office…
Me: Tara Irish Village tayo.
Ian: ……..
Me: ano yun, dedma?
Ian: E kasi naman biglaan ka mag-aya.
Me: Grabe ka, dapat spontaneous tayo para mas masaya at exciting ang life.
Ian: ……….
Aba, dedma ulit!
Me: Oy, sabi ko dapat maging spontaneous tayo!
Ian: ……………………
Hmmm, nakakainis na to ah.
Me: Bakit hindi ka sumasagot????????!! Teka nga, alam mo ba ang meaning ng spontaneous?
Ian: Hinde. Kaya nga hindi ako nagrereact eh. Ano ba yun?
Hahaha Kaya naman pala!
_____________________________________________
Car Tint
Nasa highway kami….
Ian: Tingnan mo yung kotse na yun o. Heavy tinted.
Me: Mali yung grammar mo. Dapat merong “-ly”
Ian: Ah ganun ba? Edi heavy tinted-ly!
Hahaha. Next time dapat specific.
_____________________________________________
Dream Wedding
Me: Kapag kinasal tayo sa simbahan gusto ko umiiyak mga bisita.
Ian: Edi mamatay nalang tayo. Ano yun, lamay?!
Tears of joy ang ibig sabihin ko!!!!!!
_____________________________________________
Face Your Fears
(Last year pa ‘to…)
We were watching a PBB episode called ‘Face your fears’. The challenge is, may kukunin yung mga housemates sa loob ng isang box full of stuff na kinatatakutan nila like snakes, daga, ipis, etc.

Ito yun… (source: ABS-CBN)
Ian: Kapag ako ang sumali sa PBB, maraming Maurheen ang ilalagay nila dun! Sayo lang ako natatakot e.
Infairness kahit ni-level nya ko sa mga ipis, nakakakilig parin. Hahaha!
_____________________________________________
Happy weekend! 🙂 🙂 🙂