My Comed-IAN (part 7)

One of the best advise I read before getting married was this…

“Forever is a long time. Make sure you spend it with someone who makes you laugh.”

IMG_0873

My happy pill

_____________________________________

Saksakan

As you can see from my previous posts, we always change the layout of our room. One time, binago na naman namin…

Me: Ay, hindi pala pwede ang ganitong ayos. Magkukulang tayo sa saksakan.

Ian: Paano kukulangin e andito naman ako.

Me: Ha? Anong connect nun sa sinabi ko?

Ian: Di’ba saksakan din naman ako?….. SAKSAKAN NG POGI!!

Hahaha confident!

______________________________________________

Speaking of pogi, heto naman…

Me: Ba’t kaya hindi tayo photogenic?

Ian: Kaya nga e. Hindi rin ako unagenic.

Me: Anong unagenic?

Ian: Unagenic. Yung kapag una ka nilang nakita, magagandahan or mapopogian agad sayo.

Me: Ahhh ok. Pa’no mo nasabing hindi ka unagenic?

Ian: Marami kasing nagsasabi na habang tumatagal, dun lang nila naaappreciate yung itsura ko.

Me: Hmmm, gwapo ka naman sa paningin ko.

Ian: Talaga?

Me: Oo naman, matagal na din kasi kitang kilala!

Ian: Bwisit ka!

Hahaha basag ang confidence!

____________________________________________________

Din Tai Fung

din-tai-fung

source: google images

One morning…

Ian: Uy Baby, napadaan ako sa MOE kahapon, andaming taong nakapila dun sa isang restaurant. Kain tayo dun minsan.

Me: Aling restaurant?

Ian: Parang Chinese e. Di ko matandaan, basta may Tin at Fung ata.

Me: Ah, Din Tai Fung? Madami nga daw kumakain dun.

Ian: Oo, yun nga! Pa’no mo nalaman?

Me: Syempre. Marami kasi akong nababasa kahit hindi ko napupuntahan.

Ian: Nagyabang ka pa, ang sabihin mo tamad ka lang lumabas. Tingnan mo ako, maraming napupuntahan kahit hindi nagbabasa! hahaha

Sino kaya ang mas tamad samin?

_________________________________________________

Hotel Freebies

Confession: I have this habit of collecting notepads and pens from hotels.

So while checking out from Millenium Fujairah…

Me: Parang lugi ako sa hotel na’to a.

Ian: Bakit?

Me: Wala kasing notepad. Dalawang page lang yung nandun sa room.

Ian: Edi dapat pala hindi ka naghotel, sa national bookstore ka sana nagpunta!

hahaha Oo nga naman!

________________________________________

Swimming Pool

Ian: Bibili ako ng inflatable pool sa Hyperpanda para kina Gab. Naka-sale eh.

I was reading something on my phone so I didn’t say anything.

Ian: Mukhang na HEAR-ZONE ako dun ah.

Me: Ha? Sorry ano ulit yun? May binabasa kasi ako.

Ian: Never mind, JOHNNY DEAF!

Hahaha

9-johnny-depp_w529_h529

source: google images

_______________________________________________

Full Tank

While approaching a petrol station…

Me: Baby, may nabasa ako, ang sabi huwag daw papafull tank ang kotse para hindi bumigat. Mas malakas daw kasi sa gas kapag mabigat ang kotse.

Ian: Ah ganun ba? sige, baba ka na.

Grrrrr!

______________________________________________

Kilig

After picking me up from work…

Ian: Kumusta ka baby? Hindi ka ba napagod?

Me: Hindi naman, bakit?

Ian: Maghapon ka kasing tumatakbo sa isip ko eh!

Naks!

I know, not original pero nakakakilig padin! Hahaha

20160706_184908

Thanks for making me laugh everyday =)

_______________________________________________

If you haven’t read the previous post, click here.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s