This morning, as I peeked through our window, this welcomed me…
The weather was gloomy and it looked like it’s going to rain. I stayed by the window for some more time and enjoyed the cold breeze blowing on my face. Then I heard my sister say,
“Nakakamiss sa Pinas noh?…”
Hay, sinabi mo pa. Nakakamiss talaga. Sobra.
So pagkatapos kong magmuni muni, nagprepare nako para pumasok. Hindi uso ang bagyo dito e. hehe. As usual, hinatid ako ng asawa ko papasok sa trabaho. Ang sarap ng byahe kasi pwede na kaming magbukas ng bintana. Malamig na finally ang hangin sa labas.
Winter season na!

pansinin ang mga ulap…

mukhang babagsak na…

at nagsimula na ngang umulan…ng memories!
Naalala ko bigla nung nasa elementary ako. Every morning kapag may bagyo, we would intently listen to the radio or watch the news. Aabangan namin yung announcement ng mayor kung may pasok o wala. Wala pa kasing Facebook or Twitter nun. Tuwang tuwa kami kapag signal no. 1 kasi automatic na walang pasok. Tapos tatakas kami para maligo sa ulan. Dun lang kami sa labas ng bahay, takbo ng takbo o kaya pagulong gulong. Ang resulta pagkatapos nun e sipon, ubo o lagnat, may kasama pang sermon. hehe.

minsan lang maging bata
Nung highschool naman, kahit may bagyo na, nagpupumilit parin kaming pumasok para makasama yung crush barkada. Sa classroom lang kami tatambay habang nag-aantay tumila ang ulan. Kwentuhan lang kami o kaya kung anong games na maisip. Kapag pinauwi kami ng principal, pupunta naman kami sa bahay ng isang classmate, makikikain ng lunch at dun magsstay hanggang uwian.

Hay ulan, nakaka-homesick kang tunay!
Miss ko na din yung amoy ng lupa kapag naulanan. Petrichor daw pala ang tawag dun?
Miss ko na ang mainit na champorado, sotanghon, lugaw, at sinampalukang manok na luto ni Nanay. Ang sarap kasi humigop ng mainit na sabaw habang naririnig yung malakas na pagpatak ng ulan sa bubong namin.
At syempre, makakalimutan ko ba yung excitement kapag nakakakita ng rainbow pagkatapos umulan? Hanggang ngayon nga iniisip ko parin kung totoong may pot of gold sa dulo nun eh. hehe

Salamat ulan sa masasayang alaala!
Eh ikaw, may fond memories ka ba ng ulan?