If you haven’t read the previous post, click here.
_____________________________________________________
Walang forever!
To give you a background, take a look at the pictures below…

After 5 years, heto na kami!
So after our JBR gig, Rence and I agreed na hindi muna kami magbbeach hangga’t hindi kami pumapayat ulit. Then I told Ian…
Me: Pa, hindi na daw muna tayo magsswimming hangga’t hindi kami pumapayat ni Rence.
Ian: Bakit?
Me: Syempre, para makapagswimsuit kami!
Ian: Ah ok. So parang ang sinasabi nyo is hindi na tayo magsswimming forever?!
In fairness, realistic sya! hahaha
_________________________________________________________________________
Ang Motor
Ian: Baby, sa susunod na uwi natin ng Pinas bibili ako ng motor.
Me: Subukan mo, isosoli ko din agad bago mo pa magamit.
Ian: Sayang ang pera kung isosoli mo.
Me: Kesa naman masayang ang buhay mo!
Ian: Ano yun, pag-abot sakin ng motor patay agad?! malalagot agad ang hininga ko?! Di ba pwedeng sakyan ko muna?!
Pilosopo!
______________________________________________________________________________________
The Safest Place
One night, around 11:30 pm, we decided to walk to the nearby supermarket to buy some ice cream. While walking…
Ian: Sa amin sa Tondo, kapag ganitong oras hindi ka na pwedeng lumabas ng kalsada.
Me: Bakit?
Ian: Syempre magulo na. Either mapagtripan ka o mapaaway ka.
Me: Tsk. Samin naman walang mga ganyan. Safe na nakakalabas ang mga tao kahit late na.
Ian: Teka, saan ka ba tumira? Sa LANGIT?!
_______________________________________________________________________________________
May Pinagmanahan
2 weeks ago, while Ian was talking to my mother-in-law via Skype..
MIL: Ano na, wala pa ba kayong baby?
Ian: Wala pa. ‘Wag kang mag-alala, pinaprocess na.
MIL: Siguro yung magiging apo ko sobrang ganda at talino. Mana kay Mauh.
Ian: Tapos?
MIL: Mabait din kasi mana samin ni Mauh.
Ian: Uy Ma, paalala ko lang at baka nakakalimutan mong ako ang anak mo at hindi si Mauh.
Hahaha. Bitter!
_________________________________________________________________________________
Sporty
Last week, while I was watching and he was doing some exercise, nakabawi naman sya!
Me: Uy Pa, kapag nagkababy tayo sana magmana sayo — Sporty.
Ian: Dapat lang! Kesa naman sayo magmana — Sleep-y, sit-y, watch-y, read-y. In short, lazy! hahaha
Me: Ang sama mo!
Ian: Di pa ko tapos. Meron pa pala — Chubb-y at maart-y!
Hahaha
2 thoughts on “My Comed-IAN (part 4)”